"Your voice was the soundtrack of my summer, Do you know you're unlike any other?"
Tick-tock, tick-tock..
And now it's time to wake up..
Inaamin ko, hindi ako yung taong nagdadasal pagkagising pa lang sa umaga, katulad ng karamihan, cellphone din ang una kong tinitingnan..
"1 new message"
At kung magdadasal man ako, tanging panalangin ko lang, ikaw sana ang laman ng 1 new message na ito.
Di ko alam kung malakas lang talaga ako kay Lord, o pinagbibigyan Niya lang talaga ako. Akalain mo yun, ikaw nga oh! :))
Grabeh lang ang ngiti ko,
"Gudmorning mahal na mahal ko!"
"Tanghali na mahal ko, bumangon ka na..."
Ako naman si reply, "Gising na po..."
Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong nagpapaalala sayo na kumain ka na pagkagising mo pa lang sa umaga, yung may nagsisimula ng araw mo sa mga salitang "mahal na mahal kita"
At kapag pinahintulutan ng pagkakataon, tatawagan ka pa para lang gisingin ka at sabihin sayong mahal na mahal ka niya..
Ganito kasaya summer ko!:)) Yung feeling na parang ayaw mo na matapos, pero lagi kang excited sa mga mangyayari pa sa mga susunod na araw...
Yung feeling na di mo mabitawan ang phone mo kasi lagi mong hinihintay ang text at reply niya..
Yung feeling na gumagawa ka ng away para lang lambingin ka niya at paulit-ulit sabihin sayo kung gaano ka niya kamahal..
Yung feeling na nagpupuyat ka kasi hinihintay mo siyang makauwi..
Tapos sabay kayo matutulog..
Sabi mo nga dati, gusto mo sabay tayong natutulog para you'll be my last thought before I sleep.. Eh kahit naman di tayo sabay matulog ikaw pa rin last thought ko, kahit habang natutulog ako, ikaw pa rin nasa isip ko..
Yung feeling na naiinis ka kasi bigla bigla na lang di magrereply, yun pala tinulugan ka na,
tapos kunwari magtatampo, pero ayun, di rin naman nakakatiis.. hahaha.
Yung feeling na ang hirap tapusin ng mga tawag, kahit nakaka ilang babye na kayo sa isa't isa, ayaw niyo pa rin ibaba.. hanggang sa maputol na lang ang linya..
Yung feeling na buong pag-uusap niyo 'I Love You' lang ang sinasabi niyo sa isa't isa..
Tapos minsan kakantahan ka pa, o kaya kakantahan kita..
Yung feeling na iinisin ka niya tapos lalambingin ka ulit pagkatapos..
At yung pang iinis niya, nakakaiyak talaga. T_T
"Kahit anong gawin ko, ang importante, ikaw ang mahal ko"
Nakakainis diba? HAHAHA.
Pero wala eh, mahal na mahal ko na nga ata talaga siya..
Yung feeling na pareho kayong umaasa na sana magtagal to,
Sana mahintay natin ang isa't isa...
Sana ngayon na agad yung oras para tayo na talaga..
Sana ganito pa rin tayo pagkatapos ng 3 taon..
Sana wala ng magbago...
Yung feeling na gumagawa ka ng paraan magkita lang kayo...
Yung hawak niya lang kamay mo..
Tapos habang kumakain kayo sasabihin sayo na, "Pupuntahan kita sa school mo, babantayan kita..." na para bang makakahanap ka pa ng iba na hihigit sa kanya, o kaya naman papalit sa kanya sa puso mo..
Yung yayakapin ka niya ng mahigpit na mahigpit!
O kaya minsan papaubos sayo ang sangkaterbang pagkain.
At yung feeling na ako, na ayaw na ayaw pinaghihintay, nakakapaghintay sayo ng kahit ilang oras..
Yung feeling na kulang na kulang ang araw pag di ko siya nakakausap..
Pag magkaaway kayo o kaya may tampuhan, naubos na ang luha ko kakaiyak..
Yung feeling na lagi kang nag-aalala sa kanya..
Yung feeling na wala kang magawa kundi ang maghintay sa muling pagdating niya..
Yung feeling na napapraning ka sa tuwing kausap niya yung ex niya..
Yung feeling na sa lahat ng pwedeng mawala sayo, isa siya sa pinakaayaw mong mawala sa buhay mo..
Ito ba yun? Ito na ba talaga yun? Yung feeling ng talagang nagmamahal?
Kung ito man yun, SOBRANG SAYA KO AT NARARAMDAMAN KO ITO.
AT SOBRA SOBRA ANG SAYA KO KASI IKAW ANG MINAMAHAL KO NG GANITO>
Pag magkaaway kayo o kaya may tampuhan, naubos na ang luha ko kakaiyak..
Yung feeling na lagi kang nag-aalala sa kanya..
Yung feeling na wala kang magawa kundi ang maghintay sa muling pagdating niya..
Yung feeling na napapraning ka sa tuwing kausap niya yung ex niya..
Yung feeling na sa lahat ng pwedeng mawala sayo, isa siya sa pinakaayaw mong mawala sa buhay mo..
Ito ba yun? Ito na ba talaga yun? Yung feeling ng talagang nagmamahal?
Kung ito man yun, SOBRANG SAYA KO AT NARARAMDAMAN KO ITO.
AT SOBRA SOBRA ANG SAYA KO KASI IKAW ANG MINAMAHAL KO NG GANITO>
Mayroong isang araw sa buhay ko ang di ko talaga makakalimutan..
Yun ay yung araw na gumising ako at sinabi mo sa akin na mahal mo ko at di mo ako iiwan..