“Nung nakilala kita, wala akong pakialam. Nung nagkwento ka,
natutunan ng puso at tainga ko na ikaw ay pakinggan. Nung sinabi mong mahal mo
ko, kakaibang saya ang naramdaman ko. Kasabay ng pagmamahal ko sayo, niyakap ko
ang mundo mo, sa ngayon hindi pa siguro buong-buo, pero matututunan ko din
lahat ng ito…”
Mahirap din pala yung ganun, akala mo tanggap mo na ang
lahat, pero ang tunay na tanong, tanggap ka ba ng lahat?
Tanggap ba nilang ikaw ang mahal?
Tanggap ba nilang ikaw ay minamahal?
Tanggap ba nilang nasa buhay ka ng taong kanila ring
minamahal?
Mahirap malagay sa sitwasyon na kayong dalawa lang ang
masaya para sa inyong dalawa.
At mahirap din pala talagang magmahal, na kayo lang din ang
may alam na kayo ay nagmamahalan.
Sinubukan kong basagin ang katahimikan, kaya nga sinabi ko
rin kila Nanay at Tatay.
Mga taong gusto ko matanggap ka kasi ikaw ang mahal ko at
wala nang iba.
At mga taong tinanggap ang nararamdaman ko kahit sa tingin
ng maraming tao ay hindi tama.
Ikaw kaya? Mababasag mo rin kaya ang katahimikan?
Masasabi mo rin kaya sa kanila ang iyong nararamdaman?
Handa akong maghintay...
Handa na rin ako. Natatakot lang ako na baka sila ang di
handa sa pagdating ko...




