Tagaktak ang pawis, di rin mapakali. Wala na kasing masabi sa kanyang katext. Dinampot ulit ang cellphone nyang ilang minutong natengga.
"Bkt ayw mo png mgboyfrnd?"
"Eh ayaw ko pa eh nanjan ka nmn kya ok na ko. eh ikaw bkt ayw mo muna mgrlfrnd?"
Hirap na rin siyang huminga ngayon. Di niya alam kung sasabihin na niya ang pakiramdam na pilit niyang ibinabaon. Gumalaw na ang kamay, mabilis ang pagpindot, at kanya nang nasabi...
"Eh kasi kng mgggrlfrnd ako gs2 ko sna ikw, kya lng ayw mo p kya ayw ko rin muna."
At lumabas na ang pusong dati ay naka-kahon.
- mula sa nagmamay-ari ng aking puso, ang MAHAL KO:')
No comments:
Post a Comment