Friday, July 27, 2012

END LINE



“Nung nakilala kita, wala akong pakialam. Nung nagkwento ka, natutunan ng puso at tainga ko na ikaw ay pakinggan. Nung sinabi mong mahal mo ko, kakaibang saya ang naramdaman ko. Kasabay ng pagmamahal ko sayo, niyakap ko ang mundo mo, sa ngayon hindi pa siguro buong-buo, pero matututunan ko din lahat ng ito…”

Mahirap din pala yung ganun, akala mo tanggap mo na ang lahat, pero ang tunay na tanong, tanggap ka ba ng lahat?
Tanggap ba nilang ikaw ang mahal?
Tanggap ba nilang ikaw ay minamahal?
Tanggap ba nilang nasa buhay ka ng taong kanila ring minamahal?
Mahirap malagay sa sitwasyon na kayong dalawa lang ang masaya para sa inyong dalawa.
At mahirap din pala talagang magmahal, na kayo lang din ang may alam na kayo ay nagmamahalan.
Sinubukan kong basagin ang katahimikan, kaya nga sinabi ko rin kila Nanay at Tatay.
Mga taong gusto ko matanggap ka kasi ikaw ang mahal ko at wala nang iba.
At mga taong tinanggap ang nararamdaman ko kahit sa tingin ng maraming tao ay hindi tama.
Ikaw kaya? Mababasag mo rin kaya ang katahimikan?
Masasabi mo rin kaya sa kanila ang iyong nararamdaman?
Handa akong maghintay...
Handa na rin ako. Natatakot lang ako na baka sila ang di handa sa pagdating ko...

No comments: