PARA KANINO? Katagang ang pinatutungkulan lang ay iisang tao: Gloria Macapagal Arroyo.
Madalang tayong makakita kapag sobra tayong naghahanap. May mga bagay kasi na nalalagpasan na ng ating mga mata dahil sa paghahanap ng iba pang maganda. Sinundan ko itong dagang ito hindi lang dahil natawa ako sa kanya kasi ang laki niya talaga, pero dahil natuwa rin ako sa kanya kasi di niya tinantanan ang plastik na yan makuha lang ang gusto niya.
 |
| MALIIT PERO DETERMINADO. Nakakatuwang pagmasdan ang daga na ito na hindi sumusuko makuha lang ang kanyang gusto. |
Gusto mo bang kumita? Maraming paraan! Maging malikhain ka lang!:) Saan ka naman makakakita ng isang pawnshop na may manequin sa loob? Sa ERMITA lang yan kaibigan!;)
 |
STORE NA, PAWNSHOP PA! Isang pawnshop na ang modelo ay isang manequin, maaari rin kayang bumili dito ng damit?
Kung di mo bibigyang-pansin, di mo talaga makikita. Pero kung titingnan mo mabuti, matatawa kang talaga!
|
 |
| KELAN BA TALAGA? Isang paanyaya sa mga nagnanais magkaroon ng bagong kaibigan, ano? Pupunta ka ba? |
 |
| KAIN NA! Ang party sa lugar na ito, old fashion na, British way pa! Curious ka ba? Punta na! |
 |
| PALIT-PERA. Ano nga kaya ang pinakaiba ng isang SWEET money changer sa iba pang money changer sa bansa? |
Madalas, mali, pero kahit papano, mapapatawa ka kasi maiisip mo na lang, "Weird talaga natin, kaya di umuunlad ang bansa eh"
 |
WALANG-HULI. Hangga't uubra, pagpipilitan pa., kahit no loading and unloading zone, sige magsakay lang, wala namang ibang nakakakita.
|
Mahirap maghanap ng katatawanan sa paligid kapag literal na katatawanan ang hahanapin mo. May mga bagay sa paligid natin na minsan, simple, pero nakakapagpasaya at yung iba kahit mali, nakakatawa. Pero sana, pagkatapos nating tumawa, matuto pa rin tayong itama ang mali at gawin ang tama. Masarap tumawa, masarap maging masaya. Yan tayong Pinoy eh! Diba? Magaling tayong magpatawa at magpasaya nang di natin talaga nalalaman at sinasadya.
|
No comments:
Post a Comment